^

Probinsiya

Pulis dinedo ng snatcher

- Joy Cantos -
CAMP CRAME – Isang bagitong pulis ang napatay matapos na pagbabarilin ng dalawang notoryus na celfone snatcher sa naganap na karahasan sa Barangay Caboy, Clarin, Bohol kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang biktimang si PO1 Raymund Tahanlangit ng 4th Regional Mobile Company ng Regional Mobile Group (RMG) na nakabase sa Catagbacan, Loon, Bohol.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 7, naganap ang insidente sa harapan ng bahay ng mga magulang ng biktima sa nabanggit na barangay, dakong alas -7 ng gabi.

Habang nakatayo ang biktima ay biglang sumulpot sa lugar ang isang motorsiklong Honda XRM na sinasakyan ng mga suspek at pinaputukan ang nasabing pulis sa mukha at kaliwang dibdib na siya nitong dagliang ikinamatay.

Agad na pinaharurot ang motorsiklo matapos ang pamamaslang sa biktima.

Sinisilip ng mga imbestigador na pagnanakaw ang isa sa motibo ng krimen dahil nawawala ang celfone nito na pinaniniwalaang tinangay ng mga suspek.

vuukle comment

BARANGAY CABOY

BATAY

BOHOL

CATAGBACAN

HABANG

ISANG

POLICE REGIONAL OFFICE

RAYMUND TAHANLANGIT

REGIONAL MOBILE COMPANY

REGIONAL MOBILE GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with