Arestadong rebelde nang-agaw ng armas, dedo
May 1, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Patay ang isang naarestong rebeldeng miyembro ng New Peoples Army (NPA) matapos itong mabaril ng isang sundalo nang tangkain ng una na mang-agaw ng armas sa San Jose, Occidental Mindoro, ayon sa ulat kahapon.
Dead-on-the-spot sa tinamong tama ng bala sa ulo ang rebeldeng kinilalang si Rannie de la Cruz alyas Ka Rodolfo/Jun Pablo. Sa report ng Police Regional Police (PRO) 4-B, dakong alas-4 ng madaling-araw ng maganap ang insidente sa Battalion Headquarters ng Phil. Army sa Brgy. San Roque, San Jose ng lalawigang ito.
Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang isinasailalim sa masusing tactical interrogation ng tropa ng militar ang nasakoteng si de la Cruz sa kanilang himpilan nang bigla nitong tangkaing agawin ang baril ni Pfc Kenjie Catalino, nakatalagang security ng naturang rebelde.
Nabatid na matapos ito ay nagtatakbo si de la Cruz kaya agad na niradyuhan ni Catalino ang nakatalagang guwardiya sa gate na tumatakas ang kanilang nabitag na komunista.
Sa kabila ng pagbibigay ng warning shot ng mga guwardiyang sundalo ay tumangging sumuko si de la Cruz kaya napilitan ang mga ito na barilin ito.
Duguang tumimbuwang si de la Cruz habang sapo ang nagdurugong ulo na siya nitong dagliang ikinasawi. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended