^

Probinsiya

PSN Corres binantaan

-
SUBIC, Zambales — Pinagbantaan ang buhay ng provincial correspondent ng pahayagang ito ng isang operator ng putahan sa bayan ng Subic, Zambales kamakalawa ng madaling-araw makaraang mapalathala ang lantarang operasyon ng prostitusyon sa nabanggit na bayan may tatlong linggo na ang nakalipas.

Personal na nagtungo si Alex Galang, Pilipino Star NGAYON correspondent kay P/Supt. Rene D. Ong, hepe ng 3rd Criminal Investigation and Detection Team (3rd-CIDT) para ipa-blotter ang naganap na pagbabanta ni Nestor Mago, operator at may-ari ng establisimyentong Georgetown disco na pinaniniwalaang kilalang putahan sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Calapandayan, Subic, Zambales.

Napag-alamang kinompronta at pinagbantaan si Galang ni Mago, kasama ang apat nitong alalay na pawang armado ng malalakas na kalibre ng baril sa harapan ang maraming tao sa nabanggit na barangay.

Nag-ugat ang pagbabanta ni Mago laban kay Galang matapos malathala sa PSN ang talamak na putahan sa ilang club sa Subic kabilang ang pag-aari ni Mago noong Abril 8, 2006.

Ilang beses na umanong sinalakay ng pulisya ang establisimyento ni Mago, subalit makalipas lamang ang ilang araw ay patuloy pa rin sa kanyang illegal na operasyon sa kadahilanang may basbas ng mga kinauukulan. (Jeff Tombado)

vuukle comment

ALEX GALANG

BARANGAY CALAPANDAYAN

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION TEAM

GALANG

JEFF TOMBADO

MAGO

NESTOR MAGO

PILIPINO STAR

SUBIC

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with