^

Probinsiya

Kidnaper todas, trader nailigtas

-
CAMP CRAME – Kumpirmadong napaslang ang isa sa mga kidnaper, habang nailigtas naman ang biktimang trader sa naganap na 2-oras na shootout na nag-umpisa sa bayan ng Tiaong, Quezon hanggang sa bahagi ng Barangay Bagong Pook sa bayan ng Rosario, Batangas kamakalawa.

Sa isinumiteng ulat kahapon ni P/Senior Supt. Don Montenegro, Batangas provincial director, kinilala ang nailigtas na biktima na si Sarjit Singh, 27, ng Candelaria, Quezon.

Nakilala naman ang napatay na kidnaper na si Wilfredo Reyes, 29, ng Barangay Palagaran sa bayan ng Tiaong, Quezon habang sugatan namang nakatakas ang kasamahan ni Reyes.

Nabatid na ang biktima ay kinidnap ng dalawang suspek sa bahagi ng pamilihang bayan ng Candelaria, Quezon nitong Huwebes ng tanghali.

Bunga nito ay agad nag-flash alarm sa iba pang himpilan ng pulisya, ang mga awtoridad sa Candelaria laban sa sinakyan ng mga kidnaper na Toyota Vios Sedan ( VDA-226) kasama ang biktima.

Namataan naman ang nabanggit na sasakyan sa Barangay Poblacion sa bayan ng Rosario, Batangas dakong ala-una ng hapon, subalit tinangka ng mga kidnaper na iwasan ang checkpoint at pinaputukan pa ang mga pulis bago mabilis na pinasibad ang kanilang sasakyan palayo.

Hinabol ng mga operatiba ng pulisya ang sasakyan ng mga suspek hanggang sa abutan sa Barangay Bulihan kung saan ay naharang naman nang naghihintay pang puwersa ng pulisya sa isa pang checkpoint na nagbunsod sa shootout na ikinasawi ni Reyes.

Nagawa namang makaligtas ng negosyanteng Bombay na nagtamo ng galos sa katawan matapos itong magtatakbo sa kainitan ng shootout.

Maayos namang naibalik sa kaniyang pamilya ang biktima habang patuloy ang pursuit operation sa nakatakas na isa pang kidnaper. (Joy Cantos at Ed Amoroso)

vuukle comment

BARANGAY BAGONG POOK

BARANGAY BULIHAN

BARANGAY PALAGARAN

BARANGAY POBLACION

BATANGAS

CANDELARIA

DON MONTENEGRO

ED AMOROSO

JOY CANTOS

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with