^

Probinsiya

Chairman niratrat ng kaalitang pamilya

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Isang barangay captain ang nasa malubhang kalagayan matapos na tambangan at pagbabarilin ng kanyang nakaalitang pamilya sa kanilang lugar sa Barangay Poblacion, Baleno, Masbate, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na agad na naisugod sa Masbate Provincial Hospital na si Yanle Amaro, 33, may-asawa, kapitan ng Barangay Baao, ng naturang bayan.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang mga suspek na kinilalang sina Jay Ramones, Ramon Ramones, Steven Ramones, Levi Ramones, Heli Ramones at Dong Montilla, pawang mga residente ng nasabi ring barangay.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa kanilang lugar nang tambangan ng mga suspek.

Ang biktima ay galing sa isang pagpupulong at nang papauwi na sa kanyang tirahan ay inabangan ng mga suspek na armado ng kalibre 357 at saka pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril, agad na nagsitakas ang mga suspek.

Sa imbestigasyon, lumalabas na may matagal nang galit ang mga suspek na nag-ugat diumano sa isang usapin sa kanilang barangay na kinasasangkutan ng mga suspek. (Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY BAAO

BARANGAY POBLACION

DONG MONTILLA

ED CASULLA

HELI RAMONES

JAY RAMONES

LEGAZPI CITY

LEVI RAMONES

MASBATE PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with