3-anyos patay sa meningo
November 11, 2005 | 12:00am
LUCENA City Isang 3-anyos na batang babae ang namatay sanhi ng sakit na meningo coccemia, batay sa ulat na tinanggap ng Quezon Provincial Disaster Coordinating Council (QPDCC) kahapon.
Ayon kay Dr. Henry Buzar, NDCC, provincial coordinator, ang biktima ng nasabing nakamamatay na sakit ay nakilalang si Annabelle Moratella ng Barangay Tignoan, Real, Quezon.
Dinala kaagad sa San Lazaro Hospital ang bata nang makitaan ng mga kaanak nito na may palatandaan ng nasabing sakit.
Matapos matuklasan ng mga health officials na positibo ang bata sa meningo ay sumailalim ito sa mahigpit na pagbabantay ng Department of Health (DOH) Region 4, at kinalaunan ay nalagutan ito ng hininga.
Sinabi pa ni Dr. Buzar na inatasan ni Quezon Acting Governor Jayjay Suarez ang provincial health committee upang magsagawa ng preventive measures at pag-alerto upang tiyakin na walang nahawahan ang bata sa kanilang lugar. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest