^

Probinsiya

Drayber tinodas dahil sa baraha

-
CAVITE — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang drayber ng kanyang kabaro matapos na matalo ang huli sa larong baraha sa bahagi ng Barangay Daang Amaya 1 sa bayan ng Tanza, Cavite kahapon ng madaling-araw. Naisugod pa sa Tanza Family Hospital, subalit idineklarang patay ang biktimang si Ryan Gilbueno ng Bobadilla Compound, habang tugis naman ang suspek na si Jose Christian Alfaro ng Barangay Daang Amaya 2 ng nabanggit na bayan. Sa pagsisiyasat ni PO1 Edison Camacho, naitala ang krimen dakong alas-2:30 ng madaling-araw matapos na matalo ang suspek sa larong baraha laban sa biktima. (Cristina Timbang)
Inakalang Pulis, Sikyu Dinedo
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Binaril at napatay ang isang 40-anyos na security guard na pinaniniwalaang napagkamalang pulis ng mga holdaper habang namamasada ang biktima ng dyip sa naganap na karahasan sa Barangay Dita sa Sta. Rosa City, Laguna, kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Josue Toralba ng Tabing Ilog, Barangay Pulong ng nabanggit na lungsod. Napag-alamang hinoldap ng apat na kalalakihan ang dyip na minamaneho ng biktima sa bahaging sakop ng Roseville Subd., sa nabanggit na barangay. Natangayan ng cellphone at relo ang nag-iisang pasahero, subalit bago tumakas ang mga holdaper ay binoga at napatay ang biktima sa pag-aakalang pulis na namamasada bilang drayber ng pampasaherong dyip. (Ed Amoroso)
Misis Binoga Habang Naglalaba
CAMP SIMEO OLA, Legazpi City – Isang 46-anyos na misis ang kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan matapos na pagbabarilin ng ‘di-nakikilalang suspek habang ang biktima ay naglalaba sa ilog kahapon ng umaga sa Barangay Sua—Igot, Tabaco City, Albay. Nasa maselang kalagayan sa Ziga Memorial District Hospital ang biktimang si Maria Siapno matapos barilin ng dalawang ulit sa mukha. May posibilidad na may matinding galit ang suspek sa biktima kaya isinagawa ang krimen. (Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY DAANG AMAYA

BARANGAY DITA

BARANGAY PULONG

BARANGAY SUA

BIKTIMA

BOBADILLA COMPOUND

CRISTINA TIMBANG

ED AMOROSO

ED CASULLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with