^

Probinsiya

NPA attack : 3 sundalo todas

-
Camp Aguinaldo – Tatlong sundalo ang kumpirmadong nasawi makaraang atakehin ng tinatayang mahigit 30 armadong miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang detachment ng militar sa isang bulubunduking lugar ng Brgy. Suman, Tuburan, Cebu nitong Sabado ng hapon.

Kabilang sa mga napatay na biktima sa nakubkob na detachment ay si Sgt. Rolando Luna at dalawa pa nitong kasamahang Enlisted Personnel (EP) ng Army 78th Infantry Battalion (IB).

Ayon kay Col. Tristan Kison, Chief ng AFP-Public Information Office, bandang alas-4:30 ng hapon nang magsagawa ng sorpresang pag-atake ang grupo ng NPA Central Visayas Regional Party Committee sa ilalim ng pamumuno ni Ka Roy Erecre na pawang armado ng malalakas na kalibre ng armas sa nasabing detachment ng militar.

Nabatid na ang nasabing detachment ay malapit sa barangay hall at may siyam na sundalo mula sa Special Operations Team (SOT) sa pamumuno ni Luna ang nagbabantay dito kasama ng mga CAFGU.

Kasalukuyan umanong nagmemeryenda ang ilan sa mga sundalo habang ang iba naman ay namamalengke nang biglang lumusob ang mga rebelde at pinaputukan ang nasorpresang mga sundalo na naiwang nagbabantay sa detachment.

Matapos paulanan ng bala ang mga sundalo ay niransak pa ng mga rebelde ang imbakan ng armas ng mga sundalo sa detachment at tinangay ang apat na M 16 rifle, apat na M 14 rifle at isang Motorolla HH radio.

Tumagal lamang ng isang minuto ang pag-atake ng mga rebelde bago mabilis na nagsitakas ang mga ito. (Joy Cantos)

vuukle comment

CAMP AGUINALDO

CENTRAL VISAYAS REGIONAL PARTY COMMITTEE

ENLISTED PERSONNEL

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

KA ROY ERECRE

NEW PEOPLE

PUBLIC INFORMATION OFFICE

ROLANDO LUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with