^

Probinsiya

Bus nahulog sa bangin: 1 todas,33 sugatan

-
CARRANGLAN, Nueva Ecija – Maagang kinalawit ni Kamatayan ang nakabakasyong drayber, samantala, 33 pasahero naman ang iniulat na nasugatan kabilang na ang dalawang nasa kritikal na kondisyon makaraang mahulog sa bangin ang pampasaherong bus sa hangganan ng Nueva Ecija at Nueva Vizcaya kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na naipit ng bakal sa pagkakaupo ay nakilalang si Peregrino Capalungan, samantala, ang dalawang malubhang nasugatan ay sina Melencio Aganga at Tito Barcelonia na kapwa residente ng Ilaan, Isabela.

Kasalukuyan namang bineberipika ang mga pangalan ng pasahero na isinugod sa iba’t ibang ospital matapos ang aksidente na naganap dakong ala-una ng madaling-araw.

Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng Auto Bus na si Mario B. Hernandez, 37, may asawa at residente ng Barangay Upi, Gamu, Isabela.

Napag-alaman sa inisyal na ulat ng pulisya, paakyat ang bus sa pakurbadang daan sa may Dalton Pass at nag-over take sa isang kotse subalit nawalan ng giya ang aircon bus kaya nawalan ng kontrol at bumangga sa pader na bato bago nagtuluy-tuloy na bumulusok sa bangin. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

AUTO BUS

BARANGAY UPI

CHRISTIAN RYAN STA

DALTON PASS

ISABELA

MARIO B

MELENCIO AGANGA

NUEVA ECIJA

NUEVA VIZCAYA

PEREGRINO CAPALUNGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with