^

Probinsiya

Binatilyo nabundol ng dyip, patay

-
TAYABAS,Quezon – Isang 13 anyos na batang lalaki ang binawian ng buhay matapos na ito ay mabundol ng isang owner type jeep sa Maharlika highway,Brgy. Isabang kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay nakilalang si Ardel Rotaquio,habang ang suspek ay nakilala lamang sa alyas na Aljohn,driver ng nasabing sasakyan na may plakang VBZ-286.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Marte Huerto,na dakong alas-2 ng hapon ay mabilis na tinatahak ng jeep ang nasabing kalsada nang biglang sumabog ang kaliwang gulo nito na nasa unahang bahagi ng sasakyan.

Sa pangyayaring ito ay nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang suspek na naging dahilan ng pagbangga nito sa puno na nagkataon naman na nandoon ang biktima na kalalabas lang sa eskwelahan.

Dinala ang biktima sa United Doctor's Hospital sa Lucena subalit namatay ito habang nilalapatan ng lunas.

Tumakas ang suspek matapos ang insidente at iniwanan na lamang nito ang kanyang sasakyan. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

ALJOHN

ARDEL ROTAQUIO

BRGY

DINALA

ISABANG

ISANG

LUCENA

MARTE HUERTO

TONY SANDOVAL

UNITED DOCTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with