^

Probinsiya

4 katao tiklo sa P 1-M shabu

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Apat katao kabilang na ang dalawang Tsinoy ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at pulis-Pampanga makaraang makumpiskahan ng isang kilong shabu sa isinagawang buy-bust operation sa parking lot ng malaking department store sa Mexico, Pampanga.

Kinilala ni P/Sr. Insp. Roderick Maniego, hepe ng pulisya sa Mexico, Pampanga, ang mga suspek na sina Peter Gueco Chua, Mike Ong, Lanie Y. Gamaso at Rommel M. Dizon.

Nadakip ang mga suspek dakong alas-8 ng gabi makaraang magpanggap na poseur buyer ang isang pulis-Pampanga na bibili ng isang kilong shabu na katumbas ng P1-milyon.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga suspek ay dumating sa pinagkasunduang abutan ng droga sa parking lot sakay ng Nissan Escapade van na may plakang WMX-395.

May ilang linggo na ring isinailalim sa surveillance ang mga suspek at lingid sa kaalaman ng mga drug trader ay inaabangan na sila ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation. (Ulat ni Pesie Miñoza)

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

LANIE Y

MIKE ONG

NISSAN ESCAPADE

PAMPANGA

PESIE MI

PETER GUECO CHUA

RODERICK MANIEGO

ROMMEL M

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with