^

Probinsiya

7 grinanada habang nagbabaraha, kritikal

-
COTABATO CITY – Pito katao kabilang na ang babaeng buntis ang iniulat na malubhang nasugatan matapos na hagisan ng granada habang naglalaro ng baraha sa Barangay Timanan, South Upi, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Lima sa mga biktima ay kasalukuyang inoobserbahan sa Cotabato Medical Center dahil sa matinding tama ng sharpnel ng sumabog na granada.

Samantala, ang mga suspek na hindi pa nakikilala ay mabilis na tumakas sa hindi nabatid na direksyon.

Kumbinsido naman ang mga local official na pulitiko ang nasa likod ng krimen dahil ang mga biktima ay masugid na tagasuporta ni Jabbar Sinsuat, brgy. chairman ng Timanan at presidente ng League of Barangay Chairmen sa South Upi.

Ayon kay P/Sr. Supt. Amerodin Hamdag, Maguindanao’s police director na balwarte ni Sinsuat ang Brgy. Timanan at siya ang may pinakamalaking botong nakuha noong nakalipas na halalan.(Ulat ni John Unson)

vuukle comment

AMERODIN HAMDAG

BARANGAY TIMANAN

COTABATO MEDICAL CENTER

JABBAR SINSUAT

JOHN UNSON

LEAGUE OF BARANGAY CHAIRMEN

MAGUINDANAO

SOUTH UPI

SR. SUPT

TIMANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with