^

Probinsiya

2 babae na sinalvage, kilala na

-
DASMARIÑAS, Cavite – Kinilala na ng pulisya ang dalawang babae na isinilid sa plastic bag na pinaniniwalaang sinalvage at natagpuan sa gate ng Technological University of the Phils. sa Brgy. Salawag sa bayang ito may ilang araw na ang nakalilipas.

Ang mga biktimang may palatandaang pinahirapan muna saka pinatay ay nakilalang sina Melanie Tadlit, 33, may asawa ng Block 4 Lot 18, Phase 1-A Palmeto St., Greenwoods Executive Village, Pasig City at Joan Tindugan, 24, dalaga ng naturan ding lugar.

Pansamantala naman hindi ibinunyag ang pangalan ng mga suspek upang hindi maantala ang isinasagawang dragnet operation ng mga kagawad ng Dasmariñas PNP at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, magkaibigan daw ang dalawa at dumalaw lamang si Joan kay Melanie sa bahay at mula noon ay hindi nakita pa ang mga biktima.

May teorya ang pulisya na onsehan sa malaking halagang pera o kaya sa lupang ipinagbili. (Ulat nina Cristina Go-Timbang/Mading Sarmiento)

vuukle comment

A PALMETO ST.

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CRISTINA GO-TIMBANG

GREENWOODS EXECUTIVE VILLAGE

JOAN TINDUGAN

MADING SARMIENTO

MELANIE TADLIT

PASIG CITY

TECHNOLOGICAL UNIVERSITY OF THE PHILS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with