^

Probinsiya

Doktor kakasuhan sa pagkamatay ng sanggol

-
BALIUAG, Bulacan – Nasa balag ng alanganin ngayon at posibleng kasuhan ng kriminal ang doktor mula sa Castro Maternity Hospital makaraang ideklarang patay ang sanggol na iniluwal ng isang misis ngunit nabuhay pa ng isang linggo bago tuluyang mamatay dahil sa kapabayaan ng doktor sa nabanggit na ospital sa Brgy. Subic sa bayang ito.

Sa reklamo ni Reynante Villanueva ng Brgy. Concepcion sa bayang ito, noong Marso 21, 2002 ay nanganak ang kanyang asawa sa nabanggit na hospital ngunit sinabi ng doctor ay patay na ang sanggol nang lumabas sa tiyan kaya inilagay na lamang sa maliit na kahon.

Ayon pa sa idinulog na reklamo, bago pa selyuhan ang kinalalagyan ng kanilang anak ay humirit muna ang mag-asawa na masilayan bago tuluyang lagyan ng selyo upang ipalibing.

Subalit, laking gulat ng mag-asawa nang buksan ang kahon ay biglang umiyak at pumalag ang duguang sanggol kaya napilitan kunin muli ng doktor ang bata saka inilagay sa incubetor hanggang sa tumagal lamang ng isang linggo at tuluyang mamatay.

Umabot pa sa halagang P20,000 ang babayaran ng mag-asawa sa nabanggit na ospital at lumalabas sa pagsusuri na namatay ang sanggol dahil sa pagkalason ng dugo, komplikasyon sa puso at inpeksyon. (Efren Alcantara)

vuukle comment

AYON

BRGY

BULACAN

CASTRO MATERNITY HOSPITAL

CONCEPCION

EFREN ALCANTARA

MARSO

REYNANTE VILLANUEVA

SUBALIT

SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with