^

Probinsiya

40 NPA terrorists nalipol sa Visayas Region

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 40 rebeldeng New People’s Army (NPA) ang na-neutralisa ng tropa ng militar sa magkakahiwalay na opensiba sa Eastern at Western Visayas sa loob ng isang buwang operasyon, ayon sa opisyal ng militar nitong Huwebes.

Sinabi ni Lt. Col. Israel Galorio, Chief ng AFP-Visayas Command (AFP-VISCOM), ang nasabing bilang ng mga na-neutralisang rebelde ay mula Abril 1 hanggang 30 ng taong ito.

Kabilang dito ay 22 rebeldeng nasakote, 16 ang sumuko habang dalawa naman ang napaslang sa engkuwentro. Samantalang 28 sa nasabing mga rebelde ay na-neutralisa ng mga sundalo sa Eastern Visayas at 12 naman mula sa Western Visayas.

Nakarekober ang tropa ng pamahalaan ng kabuuang 26 sari-saring mga baril sa loob ng isang buwang operasyon at isang anti-personnel mine.

Tinukoy naman na kabilang sa matagumpay na operasyon ay ang pagkakabitag kay Romulo Micabalo alyas Ka Ned/Key noong Abril 8, sa Consolacion, Cebu.  Si Micabalo ay ang lider ng NPA Regional Guerilla Unit (RGU) sa Eastern Visayas.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with