^

Probinsiya

Dagdag biyahe ng Philtranco sa Semana Santa

-
Nagpahayag ng kahandaang dagdagan ang biyahe ng mga pampasaherong bus ng Philtranco dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa darating na Semana Santa at bakasyon ng mga estudyante patungo sa iba’t ibang lalawigan.

Ito ang mariing sinabi ni Alejandro Yague, Jr. pangulo ng Philtranco na magtatalaga ang nabanggit na kompanya ng mga biyahe patungong Bicol, Silangan Bisaya at Mindanao.

Bukod sa karagdagang biyahe ay maglalagay ang Philtranco ng pick-up station sa Turbina, Calamba City at unloading station naman sa Tritran terminal sa Kamuning, Q.C. partikular na ang mahigpit na pagpapatupad ng security measures para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Magbubukas din ng mga booking office ang Philtranco sa Uniwide, Sucat, Kaloocan at Coastal Mall sa Parañaque City at sa kasalukuyan, ang nabanggit na bus company ang nabigyan ng prangkisang magbiyahe sa buong bansa. (Ulat ni Ed Casulla)

ALEJANDRO YAGUE

BICOL

BUKOD

CALAMBA CITY

COASTAL MALL

ED CASULLA

PHILTRANCO

SEMANA SANTA

SILANGAN BISAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with