^

Probinsiya

Pulis nilikida habang naglalakad

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng nag-iisang miyembro ng mga rebeldeng Muslim ang isang aktibong kagawad ng pulisya sa naganap na madugong insidente sa Zamboanga City, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si SPO1 Yahiya Abdurahim, miyembro ng 1512th Police Mobile Group (PMG) ng Sulu Provincial Police Office (PPO) at tubong Parang, Sulu.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa harapan ng Yang Mart Department Store sa kahabaan ng Climaco Avenue sa nasabing lungsod.

Sa pangunang imbestigasyon, kasalukuyang naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang bigla na lamang sumulpot ang killer buhat sa likuran nito at pagbabarilin ito.

Mabilis namang tumakas ang suspek patungo sa hindi malamang destinasyon matapos masigurong patay na ang kanyang target. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BATAY

CAMP CRAME

CLIMACO AVENUE

JOY CANTOS

KINILALA

POLICE MOBILE GROUP

SULU PROVINCIAL POLICE OFFICE

YAHIYA ABDURAHIM

YANG MART DEPARTMENT STORE

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with