7 katao minasaker ng MILF rebels
March 12, 2001 | 12:00am
ZAMBOANGA – Pitong katao ang namatay habang ang isa ay nasa kritikal na kondisyon matapos ang mga ito ay pagbabarilin ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang patungo sa bukid at aani sa Sitio Manowang, Bgy. Bukadnon, Salvador, Lanao del Norte, kamakalawa.
Ayon sa ulat naglalakad ang mga biktima na nakila-lang sina Tomas Timonio Abdilla, 52; Epifanio Maria Hamora, 52; Lucia Mahora, 51; Willy Lipongo Caballo, 27; Luis Sulput Abadilla, 25; Jonjie Bantillan Pahayahay, 15; Edwin Pairat Cagorin, 29 at Gerlinda Abell, 22 pawang taga Bgy. Caniogan, Salvador ng nasabing lalawigan para umani.
Nasalubong nila ang isang grupo ng rebeldeng MILF na armado ng matataas na kalibre ng baril.
Agad na pinaulalan ng mga MILF ang mga biktima na kung saan agad nasawi ang pitong katao habang si Abell ay nagpatay-patayan kahit na ito ay may tama.
Bumangon lang ito nang makaalis na ang mga rebelde at humingi ng tulong sa mga militar. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended