^

Probinsiya

Away ng dalawang pamilya: 2 patay

-
TINAMBAC, Camarines Sur - Dalawang padre de pamilya ang iniulat na nasawi makaraang magtalo sa hindi malamang kadahilan kamakalawa ng hapon sa Sitio Sta. Ana, Brgy. Buyo ng nasabing bayan.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nasawi na sina Jaime Laboy, 47, at Mariano Bolima, 34, pawang magsasaka at residente ang naturang lugar.

Ayon sa ulat ng pulisya, si Laboy ay napatay ni Bolima sa pamamagitan ng itak habang si Bolima naman ay napatay ng mga anak na lalaki ni Laboy na nakilalang sina Danilo at Romeo na ngayon ay tinutugis ng pulisya.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas 5:00 ng hapon kamakalawa nang maganap ang krimen habang si Laboy ay nagpapahinga sa loob ng kanilang bahay kasama ang dalawang anak.

Bigla na lamang dumating sa bahay ng pamilya Laboy si Bolima sa hindi malamang kadahilanan na may dalang itak at kinompronta ang pamilya ni Laboy.

Nabatid pa sa pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa umabot na itakin ni Bolima si Laboy na ikinasawi naman nito.

Mabilis naman nakalabas ng bahay si Bolima subalit hinabol siya ng dalawang anak ni Laboy at pinagtulungan naman tagain hanggang sa mapatay. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AYON

BATAY

BIGLA

BOLIMA

CAMARINES SUR

ED CASULLA

JAIME LABOY

LABOY

MARIANO BOLIMA

SITIO STA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with