^

Probinsiya

Mag-asawa inambus: trader patay, misis sugatan

-
ROSARIO, La Union – Isang negosyante ang iniulat na nasawi, samantalang sugatan naman ang kanyang maybahay sa naganap na isa pang pananambang ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Inabaan Sur, sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang nasawing trader na si Alfonso Patricio, 46. Ang kanyang misis na si Gloria, 40 , ay sugatan din sa insidente.

Samantala ang kanilang mga anak na sina Jenny Rose, 11 at Gemma, 4 ay masuwerteng nakaligtas sa tiyak na kapahamakan.

Si Alfonso na dating barangay councilman ay idineklarang dead on arrival sa Rosario Disrtrict Hospital sanhi ng 12 tama ng bala ng baril sa katawan.

Base sa isinagawang imbestigasyon, lulan ang nasawi sa kanilang Cimmaron type jeep na may plakang CLD 292 kasama ang kanyang pamilya nang harangin at paulanan ng putok ng mga suspect ang kanilang sasakyan.

Hindi pa matiyak kung ano ang posibleng motibo sa isinagawang pamamaslang. (Ulat ni Vic Alhambra Jr.)

vuukle comment

ALFONSO PATRICIO

BARANGAY INABAAN SUR

ISANG

JENNY ROSE

LA UNION

ROSARIO DISRTRICT HOSPITAL

SI ALFONSO

VIC ALHAMBRA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with