^

Probinsiya

Killer ng reporter tinutugis

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang malawakang manhunt operations ang isinasagawa ng pulisya laban sa isang bigtime car theft syndicate sa Central Luzon na umano’y sangkot sa pagpatay sa isang reporter na pang umagang pahayagan noong nakalipas na linggo sa Macabebe, Pampanga.

Ito ang nabatid mula kay Macabebe Police Chief Supt. Edwin Mangaliman na sinabing ang mga suspek ay mula sa miyembro ng naturang sindikato at pumatay kay Daily Tribune reporter Melchor Parugnao, 44, habang ito ay nagmamaneho ng kanyang Tamaraw FX na may plakang PWN-510 sa kahabaan ng MacArthur Hi-way patungo sa nasabing lugar noong Sabado ng gabi.

Ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng mga awtoridad sa isang ilog sa Barangay Batang sa nasabing lugar na may isang tama ng bala sa kanyang ulo at kaliwang binti.

Kinakitaan din ito ng bakat na sakal sa kanyang leeg at tinali pa ang kanyang mga kamay at may mga pasa sa katawan tanda na pinahirapan ang biktima ng mga suspek.

Bukod sa nawawala nitong sasakyan ay kasamang nawawala ang mga alahas, pera, cellphone at ilang mga personal na kagamitan na pinaniniwalaang tinangay ng mga suspek matapos isagawa ang krimen. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

BARANGAY BATANG

BUKOD

CENTRAL LUZON

DAILY TRIBUNE

EDWIN MANGALIMAN

JEFF TOMBADO

MACABEBE POLICE CHIEF SUPT

MELCHOR PARUGNAO

PAMPANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with