^

Police Metro

45 degrees na init, maaaring maranasan sa ‘Super El Niño’

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbanta ang Climate Change Commission (CCC) na maaaring pumalo sa 45 degrees Celcius at higit pa ang init ng temperatura sa ilang bahagi ng bansa sa panahon ng Super El Niño sa taong 2027.

Ayon kay  Climate Change Commission (CCC)  Commissioner Albert Dela Cruz, sa panahon ng Super El Nino, maaaring maging mas kaunti ang ulan at ma­ging extreme ang weather conditions na maaaring makaapekto sa suplay ng tubig, pagkain at enerhiya, gayundin sa kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Ito aniya ay batay sa mga pag-aaral tungkol sa climate change, kabilang ang report ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) at isang parallel study ng University of Chicago-based climate lab sa kasalukuyang nararanasang panahon.

Sinabi pa na ang 1.5 degrees Celsius na batay sa pag-aaral tungkol sa climate change ay maaaring malampasan at umabot sa 2 degrees Celsius na init ng panahon sa pagitan ng katapusan ng Pebrero at Abril 2027.

“Kapag tumama ng 2 degrees centigrade ‘yan, this specifically we’re talking of the Philippines, magkakaroon ng super strong El Niño. At ’yan, ang ibig sabihin niyan, hindi lang basta mainit, ’yung inaasahan nating maulan ay hindi magi­ging maulan. At ’yan ay magiging extreme. Ang ibig sabihin niyan, by the numbers, ’yung dating 40, nagkaroon tayo ng 43, pinaka-extreme. Papalo tayo ng higit more or less 45 or kahit mahigit pa sa 45 degrees,” ani Dela Cruz.

Aniya ang Region 1, 2 at 3 ang unang maaaring makaranas ng matinding epekto ng matinding init ng panahon.

Kaya naman, dapat aniyang maipatupad na nang maayos ng mga local government units (LGUs) ang kanilang local climate action plan bilang ­paghahanda sa pagtama ng Super El Nino sa bansa.

LGU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with