Tiangco, hindi sasama sa impeachment vs VP Sara

MANILA, Philippines — Hindi umano magmamalinis at ipokrito si Navotas City Rep. Toby Tiangco para makiisa sa ikinakasang panibagong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa darating na Pebrero 6.
Aniya, hindi na nga umano mapanagot ang ‘big fish’ na si dating AKO Bicol Partylist Zaldy Co sa anomalya sa pagsisingit ng pondo sa General Appropriations Act (GAA) kaugnay ng anomalya sa infrastructure projects lalo na ang ghost flood control projects ay magpo-pokus pa sa impeachment sa ikalawang pinakamataas na lider ng bansa.
Inihayag ni Tiango na ipokrito umano ang Kongreso kung magpapatuloy sa paghahabol sa ibang tao (VP Sara) habang hindi naman aniya maibalik sa bansa at mapanagot ang sarili nilang kasamahang si Co na dawit sa bilyong-bilyong anomalya sa budget insertions.
Magugunita na idineklara ng Suprema na unconstitutional umano ang inihaing impeachment laban kay VP Duterte dahilan sa paglabag sa ‘1 year bar rule ‘ na magtatapos na sa Pebrero 6.
Nauna nang inihayag ng mga mambabatas na kritiko ni VP Sara na maaari na umanong ihain muli ang impeachment laban dito sa susunod na buwan at determinado silang suportahan ito para mapanagot ang Bise Presidente sa umano’y hindi wastong paggamit ng P612.5 milyong confidential funds sa panahon ng panunungkulan nito sa DepEd at maging sa kaniyang tanggapan.
- Latest
















