^

Police Metro

Substitution ng kandidato, bawal na matapos ang last day ng COC filing

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipagbabawal na ng Commission on Elections (Comelec) ang substitution ng kandidato matapos ang huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Ito ang naging desisyon ng Comelec en banc na sabay nang idaos ang COC filing at ang withdrawal at substitution of candidates.

“Wala nang substitution after the last day ng filing ng COC,” ayon kay Comelec chairman George Garcia.

Ani Garcia, inaprubahan ng en banc unanimously ang kanyang panukala na idaos sa Oktubre 1 hanggang 8 ang COC filing, gayundin ang paghahain ng withdrawal at substitution.

Aniya, pahihintulutan lamang ang substitution, na lampas sa October 8 deadline, kung sakaling namatay o nadiskuwalipika ang kandidato.

Matatandaang sa mga nakalipas na halalan, ang COC filing at withdrawal at substitution ng kandidato ay idinaraos sa magkahiwalay na petsa.

Gayunman, sa mga nakalipas na halalan, ginagamit ito ng mga political parties upang maglagay ng “placeholder” candidates, na plano rin namang palitan o i-substitute, bago ang deadline.

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with