^

Police Metro

Lalaking naningil ng utang binayaran ng saksak, patay

Mer Layson - Pang-masa
Lalaking naningil ng utang binayaran ng saksak, patay
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek, na kinilalang sina alyas ‘Jojo’ at alyas ‘Jomar,’ matapos na isuko ng kanilang mga pamilya.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang binayaran ng saksak ng dalawang suspek nang singilin niya ang utang ng isa dito, kamakalawa ng gabi sa Rodriguez, Rizal.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktimang si Manuel del Socorro ngunit binawian din ng buhay dahil sa tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek, na kinilalang sina alyas ‘Jojo’ at alyas ‘Jomar,’ matapos na isuko ng kanilang mga pamilya.

Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, bago nangyari ang krimen, alas-8:00 ng gabi sa Evangelista St., Phase 1A, Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Rodriguez ay nagtungo ang biktima kasama ang isang testigo upang singilin si alyas ‘Jojo’ sa utang nito.

Ikinagalit naman umano ng suspek ang ginawa ng biktima at sinabihan ito na hindi na magbabayad ng utang at kukuha pa ng baril.

Dito na rin umano kumuha ng isang screw driver si alyas ‘Jojo’ at pinagsasaksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa halip namang umawat, tinulungan pa ni alyas ‘Jomar’ si alyas ‘Jojo’ sa ginagawa nito at sinuntok ang biktima.

Nang makitang duguan na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang isinugod ang biktima sa Infirmary Clinic na matatagpuan sa Brgy. San Jose, ngunit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas, alas-8:30 ng gabi.

Boluntaryo namang isinuko ng kanilang mga pamilya ang mga suspek, gayundin ang screw driver na ginamit sa pagpatay.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with