^

Police Metro

Estudyante naligo sa ilog, nalunod

Mer Layson - Pang-masa
Estudyante naligo sa ilog, nalunod
Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, alas-2:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa Wawa River, Sitio Katwiran, Brgy. San Rafael, sa Rodriguez.
File

MANILA, Philippines — Isang estudyante ang nalunod matapos na mapadpad sa malalim na bahagi ng ilog sa Rodriguez, Rizal, habang naliligo kasama ang mga kaklase, kamakalawa.

Patay na ang biktimang si Sherwin James Monleon nang matagpuan ng rescue team, alas-10:35 ng gabi kamakalawa.

Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, alas-2:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa Wawa River, Sitio Katwiran, Brgy. San Rafael, sa Rodriguez.

Nauna rito, nagkayayaan ang biktima at kanyang mga kaklase na magpiknik at maligo sa ilog.

Gayunman, habang naliligo ay napadpad umano ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog at tuluyang inanod ng malakas na agos patungo sa gitna ng ilog.

Nakita naman umano ng mga kasamahan ng bik­tima ang pangyayari kaya’t kaagad na humingi ng tulong. Kaagad na nagkasa ng search and rescue ang mga otoridad ngunit bigo silang maisalba ang biktima.

vuukle comment

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with