^

Police Metro

10 Chinese Nationals timbog sa kidnapping

Doris Franche-Borja - Pang-masa

7 Pinoy nasagip…

MANILA, Philippines — Sampung Chinese nationals na umano’y nangidnap ng pitong Pinoy ang naaresto sa  Parañaque City noong Huwebes.

Pitong lalaki at tatlong babaeng Chinese ang ina­resto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng National Capi­tal Region field unit sa ginawang pagsalakay sa bahay sa Multinational Village, Barangay Moonwalk, pasado alas-4:50 ng madaling araw.

Ayon kay Col. Jean Fajardo, chief information officer ng  Philippine National Police (PNP), na ang rescue operation ay isinagawa base sa impormasyon mula sa isang kasambahay ng biktima na sila ay ayaw pakawalan ng mga suspek sa loob ng tatlong araw.

“Gusto na nilang umalis subalit sila ay pinipigilan,” wika ni Fajardo.

Agad na sinalakay ng mga operatiba ng CIDG at security guards ang nasabing bahay at naaresto ang mga suspek at pitong  Filipino ang nasagip sa rescue operation.

Sinabi pa ni  Fajardo na ang mga biktima ay puwersahang pinagtatrabaho ng mga suspek sa  scamming activities tulad ng  love scam at cryptocurrency fraud.

Nasamsam ng mga otoridad ang dalawang baril, iba’t ibang klase ng bala, 17 cell phones, 5 computer desktops, 3 laptops, passports at identification cards.

Ang mga suspek ay kakasuhan ng kidnapping, serious illegal detention, qualified trafficking in persons, illegal gambling, illegal possession of firearms and ammunition at paglabag sa  Republic Act 8484, o Access Devices Regulation Act.

Dinala ang mga suspek at biktima sa Camp Crame para sa documentation.

vuukle comment

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with