^

Police Metro

Cedric Lee naipasok na sa bilibid

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pang-masa
Cedric Lee naipasok na sa bilibid
Si Cedric Lee habang sumasailalim sa medical at iba pang diagnostic procedure sa Reception and Diagnostic Center ng New Bilibid Prison (NBP) kamakalawa ng gabi.
BuCor

MANILA, Philippines —  Matapos na magpalabas ng commitment order ang Taguig Regional TrialCourt, naipasok na rin sa New Bilibid Prison (NBP) ang negosyanteng si Cedric Lee na nahatulan ng “reclusion perpetua” sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng TV host-comedian na si Vhong Navarro.

Ito ang kinumpirma ng mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na nasa kanila nang kustodiya ang convicted na si Lee matapos i-turn over ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Bucor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. alas-9:00 ng gabi nang matanggap si Lee sa NBP Reception and Diagnostic Center (RDC).

Bilang standard opera­ting procedure, mananatili si Lee sa NBP Reception and Diagnostic Center (RDC) sa loob ng 60 araw. Ang unang 5-araw ay ilalagak siya sa RDC Quarantine Cell nang walang mga pribilehiyo tulad ng pagtanggap ng mga bisita. Kasunod nito ang diagnostic procedure na kinabibilangan ng medical, sociological, psychological, educational at classification processes para sa 55 araw. tulad ng kanyang kapwa convicted, si Deniece Milinette Cornejo na may Prison Number C224P-172 at Simeon Palma Raz na may N224P-2079, at si Lee na N224P-2117.

Si Cornejo ay kasalukuyang nasa RDC ng Correctional Institution for Women, habang si Raz ay nauna lamang ng isang araw na naipasok sa RDC ng NBP.

Sina Lee, Cornejo at Raz kasama si Ferdinand Guerrero ay hinatulan ng reclusion perpetua na may katumbas na 20-40 taong pagkakakulong ng Taguig court sa nasabing kaso na isinampa ni Navarro.

Matatandaang si Lee ay hindi dumalo sa pro­mul­­gation ng nasabing kaso kaya siya inisyuhan ng warrant of arrest ni Hon. Mariam G. Bien, Presi­ding Judge ng Taguig Regional Trial Court, Branch 153, at sa parehong araw ay sumuko siya sa NBI.

vuukle comment

CEDRIC LEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with