^

Police Metro

Retiradong pulis na naglalakad, tinadtad ng bala

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang retiradong pulis na may piggery business ang natagpuang patay nang ito pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek, kamakalawa sa Maragondon, Cavite.

Kinialla ni Maragondon police chief, Major Crispin Mangupag ang biktimang si Carmelo Artisano, 60, dating pulis at mayroon na piggery business ay natagpuang tadtad ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ilang metro ang layo sa kanyang bahay sa Barangay Pantihan 1, alas-8:10 ng umaga nitong Linggo.

Nadiskubre ang bang­kay ni Artisano na nakatihaya ni Roffo Gancayco, barangay captain ng Pantihan 1 matapos na iulat sa kanya ng mga residente na nakarinig nang sunud-sunod na putok ng baril.

Lumalabas sa imbestigasyon na patungo sa kanyang piggery ang biktima na may 15 hakbang ang layo sa kanyang bahay nang sumulpot ang gunman na nakatago sa madilim na lugar at pinagbabaril ang biktima ng kalibre .45 baril.

Naghahanap ang mga im­bestigador ng video footage ng close-circuit television camera na nakakabit sa malapit nang pinangyarihan ng krimen.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with