^

Police Metro

2 mag-asawa timbog sa P24 milyong shabu  

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pang-masa
2 mag-asawa timbog sa P24 milyong shabu          
Nagtalukbong ang dalawang mag-asawa matapos maaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust ope­ration sa Springville South Phase 2, Barangay Molin 4, Bacoor City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

MANILA, Philippines — Dalawang mag-asawa­ na umano’y mga big-time drug pusher ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Springville South Phase 2, Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga na­arestong suspek na sina Montaha Abbas, 43, misis nitong si Norhata Abbas 39; Datu Bandong, 37, utol ni Norhata na isa umanong active Army reservist; at misis nitong si Elsie Bandong, 37, kapwa tubong Barangay Labangan, Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 3.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P24 milyon.

Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col Eleuterio M Ricardo Jr., alas-7:20 ng gabi nang magkasa ng drug bust ang mga otoridad laban sa grupo ni  Montaha, isang big-time drug peddler-courier sa lalawigan ng Zamboanga del Sur province, na siyang pangunahing target ng operation ng PDEA.

Nabatid na ang grupo ni Montaha ay konektado umano sa local big-time syndicate na nag-ooperate hindi lang sa Mindanao kundi maging sa Southern Tagalog at National Ca­pital Region.

Naganap ang drug deal sa Blk. 4 Lot 19B, Springville South Ph. 2, Brgy. Molino 4, Bacoor City kung saan mga nangu­ngupahan ang mga suspek ng halos tatlong buwan na naghihintay ng tawag mula sa kanilang supplier nang maaresto.

Narekober sa mga suspek ang buy-bust item na 500 gramo ng shabu, 1 itim na megabox kung saan nakalagay ang mahigit sa 3000 gramo pa ng shabu, mga bundle ng boodle money, 4 na cellular phone at 1 notebook kung saan nakasulat ang mga drug transactions ng mga ito.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with