^

Police Metro

Halos P2 bilyong pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng magkasunod na bagyo at habagat

Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Halos P2 bilyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng bagyong Goring, Hanna at habagat.

Ito ay batay sa pinakahuling datos ng National Di­saster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nabatid na sa imprastraktura, umakyat na sa mahigit P895 milyon ang halaga ng pinsala kung saan naapek­tuhan nito ang 126 imprastraktura sa Ilocos Region, Ca­gayan Valley, MIMAROPA, Western Visayas at Cor­dillera Administrative Region (CAR).

Nasa 1,544 kabahayan ang napinsala ng bagyo, kung saan 265 ang totally damaged at 1,279 ang partially damaged­.

Lumobo naman sa mahigit P959 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas at CAR.

Umabot na sa 34,303 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa magkakasunod na sama ng panahon.

vuukle comment

AGRICULTURE

NDRRMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with