^

Police Metro

Southern ‘backdoor’ gamit pa rin ng human traffickers – BI

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dagdagan ang pagbabantay sa karagatan ng Pilipinas kasunod ng mga ulat ng mga biktima ng human trafficking na gumagamit ng Southern ‘backdoor’.

Ito ang panawagan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco matapos makatanggap ng mga ulat na ilang pinauwi na mga biktima ng human trafficking ang dumaan sa mga informal port upang maiwasan ang mahigpit na inspeksyon sa imigrasyon.

Magkakasunod na ulat ng mga biktima ng trafficking sa ibang bansa na dumaan sa naturang backdoor channels sakay ng mga maliliit na bangka.Kabilang dito ang mga napa-repatriate pabalik ng Pilipinas galing sa Cambodia, Malaysia, Thailand at Myanmar.

Noong Hunyo, apat na indibidwal na dumaan sa Sulu at Tawi-tawi backdoor ang nasabat sa Semporna, Malaysia na patungo sana sa Cambodia makaraang pangakuan ng trabaho bilang ‘customer service representatives’ at may suweldo na P65,000 kada buwan.

Nitong Hulyo 14, pitong Filipino ang napa-repatriate mula sa Bangkok, Thailand makaraang bumagsak sa mga scam companies sa Myanmar at Thailand.

Isa sa kanila ang unang naharang sa Ninoy Aquino International Airport, ngunit makalipas ang isang linggo ay tuluyan pa ring umalis ng bansa gamit ang Tawi-Tawi backdoor sakay ng isang maliit na bangka.

Hulyo 15 nang dalawa pang biktima ang napabalik ng Pilipinas galing sa Kota Kinabalu, Malaysia nang maloko na magtrabaho sa isang club.

Inamin nila na suma­kay sila sa isang bangka sa Puerto Princesa sa Palawan saka lumipat sa isang mas malaking bangka pagdating sa Sabah.

vuukle comment

HUMAN TRAFFICKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with