^

Police Metro

‘Love Scam’ nalansag: Manager timbog, 15 nasagip

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pang-masa
�Love Scam� nalansag: Manager timbog, 15 nasagip
Nasamsam ng Silang Police ang ginagamit na mga computer at iba pang gadgets ng love scam syndicate habang nasagip ang 15 katao sa isinagawang pagsakalay sa isang bahay sa Brgy. Pulong Saging, Silang, Cavite.
Cristina Timbang

Bahay ni-raid sa Cavite

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga operatiba ng Phi­lippine National Police matapos nilang malansag ang isang notoryus na love scam syndicate na ikinaaresto ng nagsisilbing manager nito habang 15 na empleyadong ikinukulong ang nasagip sa isinagawang raid sa Brgy. Pulong Sa­ging, Silang, Cavite, ayon sa ulat nitong Sabado.

Kinilala ang nagsisilbi umanong manager at mastermind ng sindikato na nadakip na si Kenchi Suico, 26-anyos, binata, at residente ng B5 L5, P2 Mahogany Villas, Calamba City, Laguna.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief P/Brig. Gen. ­Redrico Maranan, nailigtas sa pagsalakay ang may 15 empleyado na biktima ng serious illegal detention at grave threats.

Ang raid ay isinagawa matapos na humingi ng tulong ang isa sa mga staff ni Suico na si Rayner Villanueva Sasoy sa Silang Municipal Police Station (MPS) sa pamamagitan ng pagtawag sa SMS hotline number at chat sa Facebook messenger.

Sa imbestigasyon ni P/Corporal Menervin Castillo ng Silang Police, sinabi ni Sasoy na illegal umano silang ikinukulong sa isang bahay at pinagbantaan din ng manager na nago-operate sa love scam kapag magsusumbong sa awtoridad.

Agad na nagkasa ng rescue operation ang Silang Police nitong Hulyo 13 ng gabi sa pakikipagkoordinasyon sa mga opisyales ng Brgy. Pulong Saging at nadatnan sa lugar ang mga biktima na nakakulong sa bahay na naka-padlock.

Nakumpiska ng mga operatiba ng PNP-Anti-Cybercrime Group sa raid ang iba’t ibang electronic devices kabilang ang mga computers at cellphones na gamit sa love scam.

Sa nasabing modus operandi, mambibiktima ang sindikato ng mga potensiyal na target sa social media na hinihingan umano nila ng pera kapag napaniwala sa umano’y iniluhog na pag-ibig ng mga nagpapanggap na mga guwapo at magandang dayuhan na gu­magamit ng mga pekeng larawan.

vuukle comment

PHI­LIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with