^

Police Metro

Utol dinedbol ng kuya

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang dinadala sa pagamutan ang isang lalaki matapos pagsasaksakin sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng kanyang nakakatandang kapatid sa gitna ng mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Silangan 2, Rosario, Ca­vite, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Jayre Ramos, nasa hustong gulang, residente ng Norvioric Subdivision ng nasabing barangay.

Tumakas naman ang suspek na kanyang nakakatandang kapatid na kinilalang si alyas Jan, nasa hustong gulang.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-9:45 ng gabi ay narinig ng mga kapitbahay ang mainitang pagtatalo ng magkapatid sa hindi pa malamang kadahilanan.

Habang nagtatalo ay kumuha ng patalim ang kuya at inatado ng saksak ang nakakabatang kapatid na duguang bumulagta.

Mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang patalim na gamit habang naitakbo naman sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with