^

Police Metro

DPWH sa Kongreso: Pondo sa infra projects, ilabas na!

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Gawing prayoridad ang paglalabas ng pondo para sa konstruksiyon ng malalaking ticket infrastructure projects upang matiyak ang agarang implementasyon ng mga programa at proyekto para sa mas mabilis na economic development nationwide”.

Ito ang paghihikayat ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Senior Undersecretary Emil K. Sadain sa Kongreso dahil  ang infrastructure development ay isa sa priority areas ng administrasyong Marcos.

Nangakong ipatutupad ang mga significant at vital infrastructure projects, gaya ng konstruksiyon ng mga bagong kalsada, paaralan, at pagamutan, at proteksiyon at pagsusulong ng kapakanan ng mahihirap at marginalized sectors, at iba pa.

Ang kasalukuyang konstruksiyon ng 15 foreign assisted Infrastructure Flagship Projects (IFPs) na ipinatutupad ng departamento ay nananatiling ‘on track,’ para sa completion nito sa pagtatapos ng taong 2024 at 2025, habang ang implementasyon para sa Detailed Engineering Design (DED) ng iba pang big ticket projects ay nakatakda na ring magtapos sa susunod na taon. Sinabi rin ng DPWH executive na ang implementasyon ng ilang infrastructure projects sa bansa ay lilikha ng libu-libong trabaho.

Kabilang sa mga on-going projects sa ilalim ng DPWH na nagkakahalaga ng P4.84 trilyon ay inaasahang makukumpleto bago matapos ang taong 2024 at kalagitnaan ng taong 2025, habang ang iba pang 27 mega projects na nagkakahalaga ng P869.69 bilyon ay nasa pipeline na rin at inaasahang higit pang magpapalakas ng ekonomiya sa mga darating na taon.

Sinabi ni Sadain na sa 90 proyekto na for completion noong 2023 at higit pa, 37 ang ongoing ang konstruksiyon.

Ang ilan pa sa mga proyekto na sumasailalim sa Detailed Engineering Design ay ang Metro Manila Bridges Project; Cebu-Mactan Bridge at Coastal Road; New Manila International Airport; at ang Virology Science and Technology Institute of the Philippines, at iba pa.

vuukle comment

DPWH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with