^

Police Metro

3 Pinoy patay sa sunog sa Kuwait - OWWA

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa kabuuang 52 katao kabilang ang tatlong Pinoy ang nasawi sa  nasunog na gusali sa Kuwait nitong Miyerkules.

Ito ang inihayag ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio, sa isang radio program, bagama’t hindi pa malinaw kung ang tatlo ang naunang iniulat ni Department of Migrant Workers (DMW) acting secretary Hans Cacdac, na tatlong sugatan, kabilang ang dalawang nasa kritikal ang kondisyon.

Ayon pa kay Ignacio, ang mga naapektuhan ay mga manggagawa ng isang kumpanya na nakatira sa gusaling nasunog.

“Yung building na nasunog ang accommodation area, tinitirhan ng mga workers,” ani Ignacio.

Hawak na rin ng OWWA ang mga pangalan ng mga Pinoy na apektado.

Nakikipag-ugnayan na rin ang OWWA sa mga pamilya ng mga biktimang nasawi at naapektuhan ng sunog na nasa 11 OFWs.

Naganap ang sunog alas-4:30 ng madaling araw ng Hunyo 12, sa gusali na matatagpuan sa Mangaf, isang coastal city south sa Kuwait City.  

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with