^

Police Metro

Sunog sa Tondo: 16 pamilya nawalan ng bahay

Ludy Bermudo - Pang-masa
Sunog sa Tondo: 16 pamilya nawalan ng bahay
Rumesponde ang mga bumbero sa nasusunog na mga kabahayan kahapon sa Capulong St., kanto ng Quirino St., Tondo, Maynila na kung saan ay nasa 16 pamilya ang nawalan ng bahay.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nasa 16 na pamilya ang nawalan ng bahay sa naganap na sunog sa Barangay 108, Capulong Road, Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD), alas-10:38 ng umaga nang magsimula umano ang sunog sa bahay ng isang Ronualdo Oligario.

Umakyat sa ikalawang alarma ang sunog, alas-11:49 ng umaga at pagsapit ng alas-12:06 ng tanghali ay idineklarang fire-out ng Bureau of Fire Protection (BFP).

May mga residente na nagsabing may narinig na putok ng baril sa gitna ng sunog na hinihinalang may nagmamay-ari ng baril na residenteng nadamay sa sunog.

Walang naiulat na nasawi bagama’t may isang fire volunteer umano na nakuryente na nasugatan at nasa P300,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian.

Ayon naman sa mga nasunugan na isang lalaki na residente sa lugar ang itinuturong responsable sa sunog dahil sa ilang beses na umano itong nasasangkot sa pagsusunog ng wire at tanso sa lugar.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with