^

Police Metro

Opening ng F2F classes pangungunahan ni VP Sara

Mer Layson - Pang-masa

‘All systems go’, higit 27 milyong studes handa na - DepEd

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Department of Eductaion (DepEd) na handang-handa na sila sa pagbubukas ng face-to-face classes bukas, Agosto 22.

Sa isang pulong ba­litaan, sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na ‘all systems go’ na ang kagawaran sa nakatakdang pagbubukas ng klase ngayong darating na Lunes.

Kinumpirma rin ng DepEd na si Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mangu­nguna sa pormal na pagbubukas ng School Year 2022-2023 sa bansa bukas.

 “Dalawang araw na lang, balik-eskwela na!  Ngayong darating na Lunes,  Agosto 22, samahan ang Kagawaran ng Edukasyon sa National School Opening Day Program (NSODP) na gaganapin sa Dinalupihan Elementary School, sa pangunguna ng SDO Bataan,” anunsiyo ng DepEd kahapon sa FB.

Ayon sa DepEd, sisimulan ang programa ganap na ala-1:00 ng hapon at maaaring panoorin ang livestream nito sa opisyal na Facebook page, YouTube channel, at website ng DepEd Philippines.

Sa pinakahuling datos mula sa DepEd-Learner Information System (LIS), hanggang alas-7:00 ng umaga ng Agosto 19, 2022 ay umabot na sa kabuuang 27,158,578 ang enrollees sa buong bansa para sa SY 2022-2023.

Sa naturang bilang, 23,029,151 dito ang mga mag-aaral na nagpatala para sa formal education habang 4,129,427 mag-aaral na mula sa early registration.

vuukle comment

CLASS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with