^

Police Metro

PNP Chopper bumagsak: 1 pulis patay, 2 sugatan

Doris Franche - Pang-masa
PNP Chopper bumagsak: 1 pulis patay, 2 sugatan
Ang wasak na PNP chopper na bumagsak kahapon sa Real, Quezon na kung saan isang pulis ang nasawi habang dalawa ang nasugatan.
Quezon PPO

MANILA, Philippines — Isang pulis ang nasawi habang 2 nasu­gatan matapos bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter ng Phi­lippine National Po­lice (PNP) sa bulu­bunduking bahagi ng bayan ng Real, Quezon, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Police Corporal Grace Calimag ng Quezon PNP Public Information Office ang mga sakay ng chopper na sina PLt.Col Michale Melloria, PLt.Col Dexter P. Vitug at Patrolman Allen Noel U. Ona. 

Dinala sa Real Municipal Hospital ang mga sugatang pasaherong sina Melloria at Vitug bago inilipat sa Claro M. Recto Hospital sa Infanta, Quezon, namatay naman si Ona habang ginagamot sa crash site.

Sa inisyal na ulat, ang mga pulis ay sumakay ng PNP Airbus H125 helicopter RP-9710, alas-6:17 ng umaga sa Manila Domestic Airport patu­ngong Northern Quezon para sa administrative mission.

Dakong alas-8:05 ng umaga nang matanggap ang report na bumagsak ang helicopter sa Barangay Pandan, Real, Quezon.

Sinasabing nasa 30 kilometro pa ang layo mula sa Real Town Pro­per nang bumuhos ang ulan.

Pansamantalang grounded ang buong fleet ng H125 Airbus Police habang isinasagawa imbestigasyon ng CAAP, DOTR at iba pang go­vernment agencies. - Tony Sandoval, Arnell Ozaeta

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with