Retamar papalo para sa Cignal HD
MANILA, Philippines — Desidido ang Cignal HD Spikers na madugtungan ang dominasyon matapos palakasin ang lineup para sa mga susunod na torneo.
Hinugot ng HD Spikers si UAAP Best Setter awardee Joshua Retamar upang lalong maging mabagsik ang kanilang koponan.
Pumirma ng kontrata si Retamar matapos ang collegiate career nito kung saan tatlong kampeonato ang naibigay nito para sa National University Bulldogs sa UAAP.
“Cignal ang pinili ko kasi feeling ko dito ako mag-grow sa next stage ng volleyball career ko,” ani Retamar na two-time UAAP Finals MVP.
Sa kanyang unang taon sa UAAP ay agad itong nagpasiklab nang manduhan ang Bulldogs sa kampeonato noong Season 81 kasama si season MVP Bryan Bagunas.
Nakumpleto naman ng Bulldogs ang 16-0 sweep sa Season 85 para masiguro ang kanilang ikalawang korona.
- Latest