^

Police Metro

‘New Normal’ bill inihain sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihain sa Kamara de Representantes ang panukalang batas na “New Normal for the Workplace and Public Spaces” bilang tugon sa pangangailangang pagbabago na dala ng coronavirus disease 2019.

“The foreseeable re-opening of workplaces and businesses and the resumption of economic activity halted during the period of community quarantine cannot, however, simply proceed as if things can still go back to normal,” saad ng panukala na inakda ng mga lider ng Kamara kasama sina Speaker Alan Peter Cayetano, House Majority Leader Martin Romualdez at presidential son at House Deputy Speaker Paolo Duterte.

Kasama sa panukalang “New Normal” law ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar at pagkakaroon ng maraming hand washing/sanitizing stations. Mananatili ang social distancing at mandatory temperature check lalo na sa mga saradong lugar. Magkakaroon din ng regulasyon sa pagpasok ng tao sa mga pampublikong lugar gaya ng palengke, parke, plaza, gymnasium, arena at mga katulad na lugar. Hindi pa rin papayagan ang pagbiyahe ng mga motorcycle taxi dahil sa taas ng tyansa na pagkahawa.

Bago sumakay ay kailangang maghugas ng kamay o mag-sanitize ang mga pasahero na uupo nang magkakahiwalay. Ipatutupad rin ang contactless payment sa pamasahe.

Gagawin na ring prayoridad ng mga pribado at pampublikong paaralan ang paggawa ng online platform sa pagtuturo habang magkakaroon ng online classes sa curriculum at magkakaroon ng staggered school days o mas maliit na class size.

Magbubukas ng mga kainan subalit takeout at delivery services muna ang kanilang serbisyo habang pag-aaralan ang dahan-dahang pagkakaroon ng dine-in.

Ang mga lalabag sa “New Normal” kapag naging batas ay may parusang dalawang buwang pagkakakulong at multang P1,000-P50,000.

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with