^

Police Metro

NFA nagpalabas ng 2.2 milyong bags ng bigas para sa COVID-19 relief

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Makaraan ang isang buwang pagpapairal sa enhanced community quarantine (ECQ)  sa Luzon at iba pang lugar sa bansa ay nasa  2.2 mil­yong bags ng bigas ang naipalabas ng National Food Authority (NFA) para ipamahagi sa ibat ibang local government units (LGUs), Department of Social Welfare and Development (DSWD), legislators, at iba pang  relief institutions para ibigay sa mga apektadong pamilya ng krisis.

Ayon sa NFA, mula March 16  hanggang April 16, may kabuuang  1,919,719 bags ng  NFA rice  ang naipalabas ng ahensiya sa iba’t ibang LGUs sa bansa, 94,413 bags sa  DSWD; 86,655 bags sa mga mambabatas,  90,946 bags sa iba pang relief-giving institutions para sa relief purposes na bukod sa Luzon, na-bigyan din ng bigas ang mga  LGUs sa Visayas at Mindanao na naisailalim sa ECQs.

Inatasan ni NFA Administrator Judy Carol  Dansal ang lahat ng opisina ng NFA sa buong bansa na  gawing bukas araw araw ang mga tanggapan upang matugunan ang pangangailangan sa bigas ng lahat ng  LGUs at relief agencies at patuloy na bilhin ang palay ng mga magsasaka at gawin itong buffer stock para magamit sa panahon ng pangangailangan sa bansa.

vuukle comment

DSWD NFA

JUDY CAROL DANSAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with