^

Police Metro

Motor sumalpok sa kalabaw: Rider dedo, 2 angkas sugatan

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang motorcycle rider habang da­lawa naman nitong angkas ang nasugatan makaraang aksidenteng su­malpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang kalabaw sa gitna ng kalsada sa Daet, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na namatay noon din ay dahil sa pinsala sa ulo at katawan ay nakilalang si Raymond Niegas, 27, may-asawa. Habang isinugod sa pagamutan ang dalawang backriders na sina Ryan Torcelino,33 anyos at isang 14-anyos na binatilyo; pawang residente ng Brgy. San Roque, Daet ng lalawigang ito.

Sa ulat,alas-11:30 ng gabi nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Mercedes Road, Purok Ubas, Barangay Gubat ng nabatid na bayan, kasalukuyang na bina­bagtas ng mga biktima lulan ng motorsiklo ang kalsada pauwi sana sa kanilang bahay nang hindi umano napansin ang isang kalabaw na naglalakad sa kalsada.

Sa bilis ng takbo ng motorsiklo ay hindi na nakuha pang makailag ng driver at sumalpok na sila sa kalabaw dahilan upang tumilapon sila ng ilang metro ang layo.

Mabilis namang naisugod sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima subalit idineklara ng dead-on-arrival si Niegas.

vuukle comment

RAYMOND NIEGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with