^

Police Metro

Uploader ng ‘Bikoy’ video nangangamba sa kanyang buhay

Ludy Bermudo - Pang-masa
Uploader ng �Bikoy� video nangangamba sa kanyang buhay
Humarap kahapon sa media si Ronald Jayme at itinanggi na may kinalaman siya sa pag-upload ng “Bikoy” video.
Russel Palma

MANILA, Philippines — “May nararamdaman akong pangamba sa aking buhay kahit hindi ako guilty sa kinakaharap na kaso at mas nais kong manatili sa kustodiya ng NBI para sa aking seguridad at handa akong makipagtulungan at ma­ging state witness”.

Ito ang inihayag ng uploader ng “Bikoy” vi­deo na si Ronald Jayme, 27 nang iharap siya kahapon ng NBI sa mga mamamahayag.

Inamin ni Jayme, na  siya ay dating supporter ng Liberal Party na mahigpit na kalaban ng administras­yon at ang nagpagawa sa kanya ng website na kung saan inilabas ang kontro­bersiyal video ni Bikoy na  isinasangkot ang pamilya Duterte sa illegal drugs.

Aniya, nang maigawa niya ng website ang isang “Maru” at “Maru Xie” ay binigay niya rito ang access at hindi niya akalain na magkakaroon ng pag-a-upload ng nasabing kontrobersiyal na video.

“Ang alam ko lang gagamitin nila yun para dun ipost ang mga achievements ng nakalipas na administrasyon at ng partido (Liberal) … hindi ako guilty kaya hindi ako nagtago at kusang sumama sa NBI dahil wala akong alam sa mga na-upload na videos na yun…natanggap ko lang ang ibinigay sa akin na P2,500 para ibayad sa webhosting at domain ng website,” ani Jayme.

“Feeling ko nilaglag ako,” ani Jayme na agad na tinanong ng mga mamamahayag kung bakit niya nasabi ito kaya nilinaw rin na. Kaya ko sinabing nilaglag ako kasi malapit sa akin at kaibigan ko ang nakiusap na igawa ko ng website, tapos ganito nga ang nangyari.” wika ni Jayme.

Bukod sa inihaing inciting to sedition, posibleng magkaroon pa ng mga panibagong kasong kaharapin si Jayme, depende sa ginagawang pag-aaral at review sa mga video.

vuukle comment

BIKOY

RONALD JAYME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with