^

Police Metro

Marcos, pinangunahan ang graduation ng mga dating rebelde sa Mindanao para maging miyembro ng PNP

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang graduation cere­mony ng unang batch ng Moro combatants para maging ganap na miyembro ng Phili­ppine National Police sa Camp Pendatun sa Parang, Maguin­danao del Norte, kahapon ng umaga.

Ang Bangsamoro Police Basic Recruit Course batch 2023-01 Classes Alpha-Bravo “Bakas-Lipi” ay kinabibilangan ng 100 trainee mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF), 92 ang mga lalaki at walo ang mga babae.

Ang mga bagong pulis ay sumailalim sa 23 linggong training bilang paghahanda sa kanilang bagong tungkulin sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Pansamantalang maitatalaga bilang patrolmen at patrolwomen alinsunod sa patakaran ng National Police Commission at mayroon silang 15 taon para makatapos sa kolehiyo batay sa pamantayang itinakda ng PNP para maging permanenteng miyembro ng pambansang pulisya.

Ang integration ng Moro combatants sa PNP ay bahagi ng probisyong nakapaloob sa Bangsa­moro Organic Law na charter ng BARMM.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with