^

Police Metro

Pamilya, 6 kinatay sa Cagayan

Raymund Catindig - Pang-masa
Pamilya, 6 kinatay sa Cagayan
Ayon kay Chief Insp. Elpidio Zingapan, hepe ng PNP Gonzaga, nagmistulang slaughter house sa danak ng sariwang dugo ang tahanan ng pamilya ni Dizon Oandasan, 42, nang dumating ang mga otoridad dakong alas-7:00 ng umaga.
File

MANILA, Philippines — Anim na miyembro ng isang pamilya ang nasawi habang isa ang nasa malubhang kalagayan matapos silang pasukin at walang-awang ataduhin ng taga ng isang ‘di pa natutukoy na salarin naganap sa tagong lugar sa Sitio San Francisco, Brgy. Ipil, Gonzaga, Cagayan, kahapon ng umaga.

 

Ayon kay Chief Insp. Elpidio Zingapan, hepe ng PNP Gonzaga, nagmistulang slaughter house sa danak ng sariwang dugo ang tahanan ng pamilya ni Dizon Oandasan, 42, nang dumating ang mga otoridad dakong alas-7:00 ng umaga.

Ang bangkay ni Oandasan at lima pang mi­yembro ng pamilya nito ay natagpuang nakahandusay na tadtad ng taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Kinilala ang iba pang nasawi na sina Sany, 47, misis ni Dizon; mga anak na sina Wilson, 13; Karen, 12; Dizon Jr., 5; at kaanak na si Juanito Soliva 55.

Habang nasa kritikal naman na kondisyon sa pagamutan ang ika-pitong miyembro ng pamilya na kinilalang si Denison, 3 taong gulang sanhi ng mga tinamong sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Ang ‘di pa natutukoy na suspek ay nasa pagamutan din sanhi ng mga tinamong sugat na pinaniniwalaang maaa­ring nagawang manlaban ni Dizon gamit ang isa ring patalim.

Sinusundan ng pulisya ang anggulong alitan sa lupa ang motibo sa krimen.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with