^

Police Metro

SUV nahulog sa bangin: Ex-mayor todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang dating alkalde ng Milaor, Camarines Sur ang nasawi habang tatlong kasama ang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog ang kanilang sasakyan sa ba­ngin na bahagi ng Andaya national highway kahapon ng umaga sa bayan ng Ragay  ng lalawigan.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Milaor ex-Mayor Andre Hidalgo, 65. Habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga nasugatang sina Senan Bermas, 50;Vicente Claro, 36; at Noel Mariquit, driver ng behikulo.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente bandang ala-1:30 ng madaling araw sa F. Semion, Ragay, Camarines Sur ay lulan ang mga biktima ng Toyota Fortuner na minamaneho ni Noel Mariquit.

Ang behikulo ay ga­ling sa Maynila at pabalik na sa Milaor at habang bumabagtas sa nasabing highway ay aksidenteng bumangga sa bakal na barandilya sa tabi ng highway ang behikulo sa kaliwang bahagi sa naturang lugar at tuluy-tuloy na nahulog sa bangin.

Lumilitaw pa sa im­bestigasyon na masyadong madulas ang nasabing highway na nagbunsod sa trahedya.

vuukle comment

ANDRE HIDALGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with