^

Police Metro

Narco cop todas sa drug ops

Rhoderick Beñez - Pang-masa
Narco cop todas sa drug ops
Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon ay nagsagawa ang mga tauhan ng PNP-12 Regional Intillegence Division nang anti-illegal drug operation sa Barangay Magsaysay sa nasabing bayan para pasukuin si PO2 Sagabay.
File

MANILA, Philippines — Isang miyembro ng PNP na sinasabing high value target sa illegal drugs at umano ay kasama sa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte ang napatay ng kanyang mga kabaro sa naganap na anti-illegal drugs operation sa Polomolok, South Cotabato.

Ang nasawing narco cop ay kinilalang si PO2 Ernie Sagabay.

Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon ay nagsagawa ang mga tauhan ng PNP-12 Regional Intillegence Division nang anti-illegal drug operation sa Barangay Magsaysay sa nasabing bayan para pasukuin si PO2 Sagabay.

Subalit, sa halip na sumuko ay bumunot ito ng baril at pinagbabaril ang mga kabaro na nagresulta ng palitan ng putok hanggang sa mapatay si PO2 Sagabay.

Nabatid na si PO2 Sagabay ay nasa narcolist ni Pangulong Duterte at nasa level 2 high value target. Nakuha sa suspek ang apat na pakete ng pinaghihinalaang shabu at baril na kalibre 38 na ginamit umano sa pakikipagbarilan sa mga kabaro.

vuukle comment

NARCO COPS

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with