^

Police Metro

Kontrata ng common station ng mrt at lrt pinasususpinde

SHOWBIZ UPDATE - Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Dapat munang suspendihin ang kasunduang pinasok ng gobyerno sa proyekto ng pagtatayo ng common station ng MRT at LRT.

Ito ang hiniling ni PBA partylist Rep. Jericho Nograles kay Transportation Secretary Arthur Tugade at dapat plantsahin muna ang lahat ng kontrobersyal na isyung bumabalot sa proyekto bago isakatuparan at hindi rin ito dapat madaliin dahil balido ang mga isyung kinukuwestyon dito ng mga mambabatas.

Magugunita na mismong sina House Speaker Pantaleon Alvarez at House Committee on Metro Manila Development chairman Winston Castelo ang tumututol sa memorandum of agreement (MOA) ng DOTR sa malalaking negosyante na nilagdaan nitong nakaraang linggo.

Isa sa mga isyung pinag-usapan sa MOA ay ang paglaki ng gagastusin dito na aabot ng P2.8 bilyon piso mula sa dating mahigit P700 milyon lamang.

Naniniwala din na ang interes ng mga negosyante ang nangibabaw sa MOA at hindi ang sa pasahero ng MRT at LRT na maglalakad pa din ng malayo kapag natapos ang common station.

vuukle comment

KONTRATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with