^

Police Metro

Lola ayaw magpautang, pinatay

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kamatayan ang naging resulta sa hindi pagpapautang ng isang 61-anyos na lola sa suspek nang siya ay saksakin nito sa likod sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. New Era Sampaloc 5, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa.

Ang nasawi ay kinilalang si Redinsom Sazon. biyuda ng Brgy. New Era ng nasabing lugar.

Nadakip agad ang suspek na si Eduardo Rabang, 37, ng Camella West, Molino, Bacoor, Cavite.

Sa ulat, dakong alas-4:40 ng hapon ay nasa loob ng kanyang bahay ang biktima kasama ang isang anak nang dumating ang suspek kasama ang live in partner nito para mangutang ng pera, subalit tumanggi ang biktima na hindi nagustuhan ng huli kaya’t nagkaroon nang mainitang pagtatalo.

Para hindi na humaba ang usapan ay tinalikuran ng biktima ang suspek na agad na inundayan nang saksak ng huli ang una.

Mabilis na lumabas ang suspek upang tumakas na naaresto naman ng duty security guard ng New Era Compound at dinala sa pulisya.

vuukle comment

JOSEPH ESTRADA

MANILA MAYOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with